‘Financial Assistance’ ni BARMM Chief Minister Ebrahim ibinigay sa indigent Mujahideens, Mujahidat at biktima ng Kalamidad
COTABATO CITY (March 7, 2023) – Kabuuang 656 na tseke na nagkakahalaga ng P3,280,000.00 ang ipinamamahagi ni BARMM Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim ng kanyang tanggapan sa Bangsamoro Transition Authority (BTA) Parliament para sa mga indigent Mujahideens at Mujahidat kasama ang mga biktima ng bagyong Paeng na isinagawa sa Bubuludtua, Brgy. Nabalawag, Barira, Maguindanao del Norte nitong ika-4 ng Marso, 2023.
Ang bawat benepisaryo ay nakatangap ng P5,000.00 pesos.
Ayon kay Chief Minister Ebrahim, sana ay makatulong ang ibinigay ng kanyang tanggapan sa mga pamilyang biktima ng bagyong Paeng noong ika-28 ng Oktubre 2022 na muling makabangon.
Samantala nitong ikatlo (3) ng Marso, ang tanggapan ng Chief Minister sa Bangsamoro Transition Authority Parliament ay nagsagawa din ng Financial Assistance Pay Out.
Abot sa 604 na benepisyaryo na nagmula sa Cotabato City, Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte ang nakatanggap ng tseke na nagkakahalaga ng P5,000 pesos bawat isa.
Magugunita na namigay din ng Financial Assistance Pay Out si Chief Minister Ebrahim noong ika-12 ng Pebrero 2023, sa pamilyang lubos na apektado ng Bagyong Paeng sa Barangay Magsaysay, Parang, Maguindanao Del Norte.
Ang pamimigay ng tulong pinansyal ng tanggapan ni Chief Minister ay alinsunod sa kanyang “Bangsamoro Agenda” na matulungan ang bawat Bangsamoro na makaahon sa kahirapan. ### (Tu Alid Alfonso/BMN/BangsamoroToday, Litrato mula sa BTA-ICM Facebook)