159 Hafidh nagtapos mula sa ika-7th batch students ng Highest Institute for Holy Qur’an and Sunna
COTABATO CITY (March 6, 2023) — Maluwalhating naidaos ang pagtatapos ng 159 kabuang bilang ng Hafidh sa ikapitong pangkat ng mga estudyante ng Institute for Holy Qur’an and Sunna noong ika-12 ng Sha’ban sa Hijri 1444 o March 4, sa loob ng Shariff Kabunsuan Cultural Complex, Bangsamoro Government Center dito sa lungsod ng Cotabato, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Inumpisahan ang naturang programa sa pagbabasa ng Holy Qur’an ng isa mga Hafidh na si Alaudin Ebrahim.
Kabilang sa mga dumalo sa graduation ceremony sina Shiekh Samsudin E. Abdulrahman, Institute Director at Information Committee Head na nagbigay ng pambungad na mensahe, sinundan ito ng pagbibigay sertipikasyon sa mga nagtapos sa pangunguna ni Hafidh Saifudin Salindab na sinundan ng alumni speech ni Hafidh Mahid A. Omar.
Nagbigay naman ng inspirational message si Shiekh Mas’od M. Lantong, Chairman at BOD Head ng AHFSP. Sa support message si Engr. Zubair A. Guiaman, Executive Director ng AHFSP, ay kanyang ibinigay ang mensahe ng pasasalamat sa mga nagtapos at mga magulang.
“To our graduate mubarak lakum, to parents and guardian here today Alhamdulillah, may Allaho sub’hannah wa ta’Allah rewarding you from guiding your children,” sabi ni Engr. Guiaman.
Ang BARMM Chief Minister at MILF Chairman Ahod B. Ebrahim ay kabahagi din sa programa at sya ay nagpa pa-alaala sa pamamagitan ng video documentary bilang pagpapahalaga at pagsasabuhay sa nilalaman ng Qur’an.
“Kasabot katuntay kano nyabay Qur’an anya kagina nyabay kitab nu Allahu ta’Allah, endo nyabay unayan na ipaninindig tanu. Katawan nu samaya na dala salakaw ipaninindig tano nya tabiya na panun katibambaw na Qur’an siya. Sa kanu magidsan kanu dalpa tanu na nambay makatibambaw na su Qur’an nu Allahu ta’Allah. Kagina nambay kinaadin na Jihad anya, kagina importanti paliwgat sa langun na s’kitanu panun anan kanggalbik sa katigan nu Allahu ta’Allah.”
Dumalo din sa programa ang Director General ng Madaris Education, MBHTE Prof. Tahir G. Nalg; Butch P. Malang, Chairman MILF-CCCH at Con-current Administrator ng SGADA; kasama si Nasserudin D. Dunding, MAPDS, Commissioner ng BYC-BARMM.
Gayundin sina MP Atty. Lanang T. Ali, Jr., BTA Member at Deputy BTA Parliament Speaker; Sheikh Abdulkahar M. Victor, Deputy Executive ng BPA at MILF Representative Sheikh Muslim Guiamadin, at MP Shiekh Abdullah E. Gayak. ### (Normina S. Dagem/BMN-USM BSIR Intern, Photo by Nhor-hamen S. Aplal)