MBHTE-BARMM naglaan ng 7.3M sa rehabilitasyon ng Cotabato State University ‘sports facility’

COTABATO CITY (February 20, 2023) – Lumagda ang Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) ng BARMM sa pamumuno ni Minister Mohagher M. Iqbal at Cotabato State University (CSU) sa pangunguna ni Dr Sema G. Dilna ang Presidente ng CSU ng Memorandum of Agreement (MoA) nitong Lunes, February 20, 2023 na ginanap sa Em Manor Convention Center dito sa lungsod ng Cotabato.

 

 

Ang proyekto ay nagkakahalaga ng mahigit 7,370,410.00 Milyung piso na gagamitin sa pagkumpuni at pagsasaayos ng sports ground ng CSU. Kabilang na aayusin ay ang grandstand, court canal granting, track and filed, swimming pool, comfort rooms, at fences.

 

 

Ang layunin ng nasabing rehabilitasyon ay upang mapagbuti ang mga pasilidad sa palakasan, na dapat magsilbing lugar para sa Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao Athletic Association (BARMMAA) na nakakatugon, pagsasanay ng mga coach at mag-aaral-atleta ng BARMM sa kanilang mga aktibidad sa palakasan, at iba pang mga kaugnay na aktibidad ng MBHTE at BARMM government.

 

 

Ipinahayag ni Iqbal ang kanyang pasasalamat at pagpapahalaga sa pangako ng CSU na magtrabaho kasama ang MBHTE upang mapagbuti ang mga serbisyong pang-edukasyon sa rehiyon, lalo na sa gitna ng lungsod na ito.

 

 

Lubus naman ang pasasalamat ng CSU President Dilna sa ikalawang tulong pinansyal ng MBHTE, una rito ang pagpapatayo ng dormitoryo ng mga mag-aaral ng paaralan at ang proyektong ito. (Tu Alid Alfonso/BangsamoroToday/BMN) 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post ICRC turns 160th year of work to protect civilians, bringing relief to millions of people
Next post HWPL holds 1st International Workshop on Peace Journalism